Habang nagi-empake kagabi pinagdesisyunan pa naming mag-asawa kung dadalin ko ung lotion sa backpack ko. Naka isang carry on baggage at isang laptop backpack lang kasi ako ngayon papunta ng NJ. Ganito ang siste:
Mahal, dadalin ko pa ba ito?
Oo, kailangan mo 'yan.
Parang ang laki kasi eh.
Ilagay mo na sa bag mo. Pag pinatapon sa security check eh di itapon mo.
Otei.
Masunurin akong asawa eh. Dami nang okasyon at patunay diyan. Sa susunod na post na lang. Hehehe..
Pagdating ko ng security check.. iniabot ko ang boarding pass at passport. Akala ko may problema kasi bigla akong kinausap nung officer na pusit (natutunan ko 'yan kay Misis):
What does this mean? (nakaturo sa tatak na "not valid for travel to Iraq" ang loka pero nakangiti)
It simply means that Filipinos are not allowed to travel to Iraq. (hindi pa nakuntento)
Why?
It's because most of the time the Filipinos there are abused.
Oh, okay. Now I understand.. blah blah blah..
Ang dami pa niyang sinasabi pero kailangan ko na umalis ng linya kasi ang haba na kaya ng linya sa likod ko! Malamang mamaya sasabihin ni Misis na nagpapa-cute na naman sa akin ang officer na ito. Ehek! Pagdating ko sa conveyor tinanggal ko na ang laptop, sapatos at inilagay sa tray. Paglambas sa xray, ininterview na naman ako.
What's the contents of your bag?
A book, charger, adapter, cookie, toothbrush, toothpaste. You can take it all out if you want.
It's okay, we'll just have to run the whole again in the xray.
Okay.
Pagkadaan sa xray.
This is too big (sabay turo sa lotion).
I can just leave it. Is everthing okay now?
Yeah, sure. Enjoy your trip.
Susme! Itong lotion talaga! Palibhasa lumalamon ng lotion itong katawan ko kaya kailangan ko palaging may bitbit! Hehehe.. meron naman siguro dun kina Ninang. Makikigamit na lang ako. Hahahaha!
It's almost 15:30. At 15:55 I have to board the plane. Got to make some phone calls before that. Jersey City, here I come!
Wednesday, November 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment