Wednesday, June 17, 2009

Motivation to write

Ewan ko ba, mula nang mapunta ako dito tinamad na akong magsulat. Dati-rati naman matindi ang motibasyon ko, kahit nga sa likod ng pakete ng sigarilyo o tiket sa bus nakakapag sulat ako ng tula. Kung nabebenta lang ang mga tulang naisulat ko noon, mayaman na siguro ako ngayon. Hahahaha! Sabi nga ni Misis Tikboy nung isang araw bakit daw hindi ako ulit magpadala ng tula sa Poetry.com baka sakaling swertihin na ako ngayon. Hanggang sa semifinals lang kasi ako nakaabot noong 2001. Pagkatapos nun, hindi ko na sinubukan ulit.

My motivation used to be heartache and pain. It still is. I write better when I am in a depressed mode. Writing my thoughts and feelings was just an outlet for me. A constructive outlet. Rather than succumbing to my dark side of being morbid and violent, I write. But lately I seem to have lost my flair for writing. Why? Masaya kasi ako. Hahahaha! At kapag masaya ako, puro kamanyakan ang nasa isip ko. Ehek!

I wrote something last night. Kaso na-censor ni Misis Tikboy. Hehehehe! It's kind of personal. I'll give you a hint - the title of the article is "Tikboy's bedroom thoughts" kaya hayun, pagkabasang-pagkabasa niya nag-text agad sa akin sabay sabing i-edit ko 'yung sinulat ko. Ehek! Minsan nga naiisip kong maging erotic writer 'yung tipong mala Xerex. Baka sakaling dun ako kumita at yumaman. Hahahaha!

Bakit nga ba halos lahat ng tao ang bukambibig eh "Pag yumaman ako..." sarap kasi mangarap. Sarap sana makuha 'yun mga bagay na sa ordinaryong pagkakataon, sa realidad ng buhay eh hindi mo agad-agad makukuha. Maraming beses hindi ako makatulog kakaisip na kinabukasan mababasa ko ang diyaryo at makikita kong tumama ako sa loterya. Seryoso, tumataya na ako sa
lotto ngayon. Mana talaga ako sa lolo ko, lalo na naman akong aasarin ni Misis na talagang apo ako ni Rizal! Hehehe.. pero sana nga parehas kami ng kapalaran, sana manalo rin ako. Hindi rin naman magkaiba ang intensyon ko sa naging intensyon at aksyon ni Lolo Pepe noon - mag-invest sa lupa, mag-negosyo at ipadala ang ilan sa nanay ko para maipambayad ng utang. Ehek!

Hindi na ako bumabata, pag naiisip ko nga ito parang nauubusan ako ng panahon. Sa buhay na inisip ko noong bago ako makapagtapos ng kolehiyo, sa ganitong edad establisiyado na ako. Pero hindi ito ang realidad ng buhay ko ngayon.. panibagong buhay, panibagong simula. Sabi nga ni Tita Baby,
late bloomer daw ako. Matinding hirap muna ang pagdadaanan ko bago ko makuha 'yung mga bagay na pinapangarap ko. Pero sa sandaling madaanan at malampasan ko 'yung paghihirap na 'yun puro naman daw ginhawa.

Sarap marinig. Sarap umasa. Pero sa ngayon, kayod muna. Dasal, tiis. Dagdagan ang pasensiya. Ngiti kahit inis. Gising kahit antok. Hindi naman malayong mangyari ang lahat ng 'yun.

Darating din ang umaga. Pero sa ngayon, pagkagat ng dilim gigising ang bampira. Ehek!

No comments: