Tuesday, July 14, 2009

Tambayan

Kahapon nag-chat kami ni Misis Tikboy hanggang alas kwatro ng umaga. Dumadaing kasi ako na wala na akong matambayan pag off ko, ayoko naman na sa mga mall kasi hindi rin naman ako tumatagal maghapon dun. Pag nabili ko na kasi kung ano ang gusto ko, wala na ako hilig mag-ikot pa. Nabanggit ko tuloy sa kanya na balak kong magpunta sa mga park para lang tumambay at magbasa. Meron kasi akong pinupuntirya, 'yung Orange Park na may swimming pool para pwede na rin akong mag-exercise. Kaso naman, hindi ko pa natitingnan 'yung place. Nag-suggest si Misis na tingnan ko daw 'yung Half Moon Bay State Beach, pwede daw mag-camping dun. Kahit tumambay ako maghapon at mag-set up ng tent okay lang. Kaya 'yun, pagkagising ko kahapon nag-decide akong magpunta sa Half Moon Bay. Buti na lang na-research ko na 'yung mga sasakyan kong bus nung magka-chat pa kami ni Misis. Samtrans 390/391 hanggang Hillsdale tapos transfer naman ng 294 hanggang Halfmoon Bay.

Actually, tanghali na ako nakaalis. Halos ala una na ng hapon. Eh isang oras din halos ang byahe mula SSF papuntang San Mateo. Tapos pagdating ko pa dun, na-miss ko na 'yung bus na dapat sasakyan ko by a margin of 5 minutes. Susme! Ang ginawa ko tuloy nag-ikot muna ako sa mall. Kasi isang oras at kalahati pa bago dumating ang next ride ko. Buti na lang dala ko 'yung Map of Bones ni James Rollins, nakapagbasa din ako nung naikot ko na ang mall at mahaba pa ang oras ng paghihintay ko.

Nung nasakay na ako ng 294, text ko kay Misis na parang liblib na 'yung lugar. Eh paano ba naman kasi, feeling ko paakyat na ako ng Baguio dahil zigzag na 'yung daan! Paakyat pa kamo. Hehehehe! Another 40 minutes ride pa bago ako makarating sa vicinity ng beach. First time ko pupunta kaya nangangapa ako, wala naman akong dalang mapa. Tiningnan ko lang the night before sa google. Hehehe! Pagbaba ko sa Main St/Kelly Ave. nakita ko 'yung number ng bahay, 565. Susme, ang haba pa ng lalakarin ko kasi 95 Kelly Ave. ang destination ko. So, mega lakad naman ako. Buti na lang mahangin kahit mainit. Breezy pa dahil malapit na sa beach.

Long and short of it, narating ko naman. Sa Francis Beach ako napadpad. Nagtanong-tanong lagn tungkol sa camping rules, naglakad-lakad sandali tapos umalis na rin ako. Kasi naman kailangan kong habulin 'yung last trip papuntang Hillsdale. Kung di ko aabutan 'yun mapapagastos ako dahil kailangan kong mag-check in sa Holiday Inn. Ehek! Gastos!

Don't worry, inabutan ko naman 'yung bus. Hehehe.. kaya nga next time, aagahan ko na. Para naman makapagtampisaw ako ng konti sa tubig habang nagse-senti. Mas masarap kasing maglakad sa tabing dagat kung ka-holding hands ko si Misis Tikboy. Pero habang wala pa siya dito, solo flight muna ako kaulayaw ang BB ko at mga nobela. Ehek!

No comments: