Naka-isang taon na pala ako dito sa Amerika. Hindi ko halos namalayan. Ambilis kasi ng takbo ng panahon. Hindi ko na nga iniisip at inaalala ang mga bagay na makakapagbigay sa akin ng stress. Sabi nga ni Misis Tikboy, "one day at a time" lang. Kaya heto, nagulat na lang ako nung Biyernes pagkagising ko, isang taon na pala ako dito.
Hindi ako nagre-reklamo. Ang daming magagandang bagay na nangyari sa akin sa isang buong taon mula nung sumakay ako ng eroplano - kahit ba na-delay pa ito ng apat na oras bago nakaalis ng NAIA. Kaya halos otso oras din ako sa Hawaii pagala-gala habang naghihintay ng eroplanong maghahatid sa akin sa Phoenix. Kumbaga, sobrang blessing. Hindi madali ang buhay, ganun naman talaga. Mahirap talaga ang buhay. Pero kung magaan mong tatanggapin ang mga dagok na ibibigay sa 'yo, nagiging maalwan ang pagtanggap dito. Di ko naman sinasabi na wag kang lumaban, hindi naman pwedeng ganun na tinatapak-tapakan ka na lang. Paminsan-minsan umaray ka rin. Kung panay ang tulak sa 'yo at mahuhulog ka na sa bangin, kailangan mo na rin tumulak pabalik hindi ba? Pwera na lang kung may death wish ka.
Dami sigurong nagtataka kung bakit hindi na kami halos makapagsulat ni Misis. Bisi-bisihan kasi. Kalalaro ng Cafe World. Hahahaha! At saka madami ring iba pang mga pangyayari, mga bagay na kinakailangan ng atensyon. Kaya heto, bihira na lang kami makabisita (parang hindi kami ang may-ari nitong blog ah).
Hayaan niyo, sisikapin namin na makapagsulat ng mahaba-haba sa susunod. Susme, kala mo naman sandamakmak ang nagbabasa nitong blog namin!

No comments:
Post a Comment