Bakasyon na naman si bosing. Ito ang panahon na inaayawan ko. Toxic kasi. Kung ang ibang tao tuwang-tuwa kapag nawawala sa sirkulasyon ang mga amo nila, ako iritableng-iritable. Sa loob ng isang taon, mga 3 hanggang limang beses nangyayari ang ganitong pagkakataon. At sa mga panahong 'yun imbes na nakakulong ako sa kwarto kapag off ko mapipilitan akong lumabas at magliwaliw. Ayokong ma-badtrip. Ayokong mapasahan ng trabahong hindi naman akin. Kaso naman, kapag naka-duty ako at iniwanan na ang cellphone ng bosing sa akin wala na akong magawa kundi magbuntong-hininga. Sinasabi ko na lang sa sarili ko "Duty ka. Sige, hayaan mo na. Basta wag lang maistorbo kapag off mo na."
Kagabi pinasa na naman sa akin ang responsibilidad ng pagsagot at pag-intindi sa mahiwagang telepono. Nagkataong may tumawag, importante. Crucial. Kaya ko sanang desisyunan pero hindi naman iniwan sa akin ang awtoridad na gawin 'yun. Kaya ang ginawa ko ipinasa ko sa punong haliling walang silbi kundi dumakdak ng dumakdak na mistulang sirang plaka. Ni-relay mo na ang mensahe hindi pa rin makuha. Pag nagkalintikan, ikaw ang maiipit. Bakit ba kasi hindi na lang siya ang maghawak ng telepono? Siya rin naman ang magdedesisyon at hindi ako?
Haaaay naku. Tiis lang. Makisama ka lang. Mahirap masabihang ma-epal ka. Di pa kasi gawing legal na maging administrador ka eh. Para wala nang pasahan ng trabaho.
Buset.

No comments:
Post a Comment