Friday, December 25, 2009

Ang lobo at ang mansanas

Ito ang bago kong iPod nano. Regalo ito ng Misis ko. Pero bago ko itong nakuha kanina, sandamakmak na kakulitan muna ang ginawa ko para mapaamin siya kung ano ang regalo niya sa akin. Nadulas kasi siya na may ipinalada siya sa akin, eh surprise daw sana. Ni clue ayaw man lang sabihin sa akin. Sabi niya lobo daw ang ipinadala niya sa akin. Ako naman, hindi naniwala. Pero syempre para hindi siya mainis sa kakulitan ko (na madalas mangyari) tumahimik na lang ako at sinakyan ang sinasabi niya. Hehehe!

Sabi ko na lang nung Martes, "Kailan ba dating ng lobo ko?" Sabi niya Huwebes daw. Kaya nagmamadali naman akong umuwi kanina nung nag-text sa akin si Kuya Ed na dumating na daw 'yung lobo ko. Nung nakita ko 'yung packaging, imposibleng lobo talaga. Ang liit eh. Naisip ko agad gadget o di kaya naman pabango. Kaya dali-dali kong binuksan. Nung nakita ko 'yun gift box sa loob ng kahon, text agad ako sa Misis ko...

"Hindi naman lobo ito eh! Mansanas!"

Hehehe... thanks for the gift Mahal. I like it. May engraved message pa sa likod. Personalized talaga.

Merry Christmas.. I love you. Mwaaaah!

Wednesday, December 23, 2009

Christmas gift for myself

After weeks of thinking it over I finally settled for the CK Euphoria Intense and the CK Intense as my Christmas gift for myself. Hehehe! Ito lang naman ang bisyo ko aside from gadgets eh. I was contemplating on getting a new BlackBerry phone - the Curve or Bold - pero masyadong expensive. Ito na lang muna, less than $100. Unti-unti lang ba. Tingnan ko kung makakaya kong birthday gift 'yung BB Curve by next year.

Kayod! Saan kaya ako makakaraket? Hmmm...

Wednesday, December 16, 2009

Isang taon

...na pala akong nagta-trabaho dito. Hindi ko na namalayan ang bilis ng panahon. Lahat sila noon ayaw maniwalang kaya ko ang trabaho na ito. Kahit na si Misis Tikboy. Usapan pa nga namin bago ako umalis ng Pinas, last resort ko ito. Kung talagang walang chance na makapagturo ako dito saka ko lang papasukin ang trabahong ito. Pero heto, isang taon na pala ako ngayon at marami na din nangyari.

Tinatanong pa rin ako ng ilang mga kakilala kung bakit ko ginagawa 'to, ang layo naman daw sa propesyon ko at sa mga naging karanasan ko sa trabaho sa Pinas. Kung hindi kasi ako nasa pribadong opisina, ahensiya ng gobyerno o maging sa kolehiyo at unibersidad at kadikit ng mga presidente ng kumpanya at eskuwelahan o di kaya hepe ng ahensiya nasa retail sales naman ako. Kaya lahat sila nagugulat pag sinasabi kong nasa RCFE ako. Nung isang linggo lang tinanong na naman ako ng bunso kong kapatid kung kailan daw ba ako magsisimulang magturo sa eskuwelahan dito sa California, sabi ko naman sa ngayon malabo 'yun kasi nga may mga eskuwelahan pang nagsasara dito. Di bale na daw, manager naman daw ako ng RCFE. Susme! As if ganun kadali 'yun?

Saksi si Misis Tikboy kung gaano kahirap ang trabaho ko. Lagi nga niyang sinasabi sa akin na konting tiis pa, mabuti nga at may trabaho ako. Sa dami ng walang trabaho dito ngayon, maswerte pa rin ako. Kung paperworks lang sana, walang problema. Ganun naman talaga ang nakasanayan kong trabaho noon pa. It's where I am good at. Nito ko na lang din natutuklasan na kung ginusto ko palang maging nurse noon, I can be a good one. Inuna pa kasi ang paglalaro ng volleyball eh!

Haaaay... promising naman ang trabahong ito. 'Yun nga lang, kailangan sobrang ingat kasi buhay ng tao ang katapat ng isang pagkakamali. Sandamakmak na kanin pa ang kailangan kong kainin bago ko makuha ang lahat ng teknik. Bawat pasyente kasi iba rin ang treatment.

Ang tanong, pag-aaralin ba talaga ako para maging administrator o hindi? 'Yan ang one million dollar question. Ang kasunod, may increase kaya ako? Ehek!

Abangan..

Thursday, December 3, 2009

My Early Christmas Gift

Ito naman ang kinakalokohan kong meal when I go to Paradise Bakery & Cafe - Blue Cheese Salad and Chicken Walnut Sandwhich with a Chocolate Chip Cookie as desert...hmmmm....yum! Tandang tanda ko pa nung bago pa lang ako dito sa States - Inis ako nun when they serve salad during conferences. Feeling ko kasi para akong kambing, hahahaha! But I guess my taste buds changed.



My gift from my Tikboy - a Bulova watch - Ganda noh? hehehehe! Hindi na sya kuripot! Yeheeey!