...na pala akong nagta-trabaho dito. Hindi ko na namalayan ang bilis ng panahon. Lahat sila noon ayaw maniwalang kaya ko ang trabaho na ito. Kahit na si Misis Tikboy. Usapan pa nga namin bago ako umalis ng Pinas, last resort ko ito. Kung talagang walang chance na makapagturo ako dito saka ko lang papasukin ang trabahong ito. Pero heto, isang taon na pala ako ngayon at marami na din nangyari.
Tinatanong pa rin ako ng ilang mga kakilala kung bakit ko ginagawa 'to, ang layo naman daw sa propesyon ko at sa mga naging karanasan ko sa trabaho sa Pinas. Kung hindi kasi ako nasa pribadong opisina, ahensiya ng gobyerno o maging sa kolehiyo at unibersidad at kadikit ng mga presidente ng kumpanya at eskuwelahan o di kaya hepe ng ahensiya nasa retail sales naman ako. Kaya lahat sila nagugulat pag sinasabi kong nasa RCFE ako. Nung isang linggo lang tinanong na naman ako ng bunso kong kapatid kung kailan daw ba ako magsisimulang magturo sa eskuwelahan dito sa California, sabi ko naman sa ngayon malabo 'yun kasi nga may mga eskuwelahan pang nagsasara dito. Di bale na daw, manager naman daw ako ng RCFE. Susme! As if ganun kadali 'yun?
Saksi si Misis Tikboy kung gaano kahirap ang trabaho ko. Lagi nga niyang sinasabi sa akin na konting tiis pa, mabuti nga at may trabaho ako. Sa dami ng walang trabaho dito ngayon, maswerte pa rin ako. Kung paperworks lang sana, walang problema. Ganun naman talaga ang nakasanayan kong trabaho noon pa. It's where I am good at. Nito ko na lang din natutuklasan na kung ginusto ko palang maging nurse noon, I can be a good one. Inuna pa kasi ang paglalaro ng volleyball eh!
Haaaay... promising naman ang trabahong ito. 'Yun nga lang, kailangan sobrang ingat kasi buhay ng tao ang katapat ng isang pagkakamali. Sandamakmak na kanin pa ang kailangan kong kainin bago ko makuha ang lahat ng teknik. Bawat pasyente kasi iba rin ang treatment.
Ang tanong, pag-aaralin ba talaga ako para maging administrator o hindi? 'Yan ang one million dollar question. Ang kasunod, may increase kaya ako? Ehek!
Abangan..

No comments:
Post a Comment