
Sabi ko na lang nung Martes, "Kailan ba dating ng lobo ko?" Sabi niya Huwebes daw. Kaya nagmamadali naman akong umuwi kanina nung nag-text sa akin si Kuya Ed na dumating na daw 'yung lobo ko. Nung nakita ko 'yung packaging, imposibleng lobo talaga. Ang liit eh. Naisip ko agad gadget o di kaya naman pabango. Kaya dali-dali kong binuksan. Nung nakita ko 'yun gift box sa loob ng kahon, text agad ako sa Misis ko...
"Hindi naman lobo ito eh! Mansanas!"
Hehehe... thanks for the gift Mahal. I like it. May engraved message pa sa likod. Personalized talaga.
Merry Christmas.. I love you. Mwaaaah!
No comments:
Post a Comment