Thursday, February 11, 2010

Kapag off namin..

Naunahan ako ni Misis na mag-post nung Buttons na MTV. Hehehe! Panay nga ang tukso sa akin na sa tuwing maririnig ko daw 'yung ringtone kong 'yun eh maaalala ko siya. Eh totoo naman! Napapangiti talaga ako everytime na tumatawag siya sa akin. May mga nai-imagine kasi ako. Hahaha! Sabi nga niya, that's the reason why she is spoiled - kasi she fulfills my wildest dreams. Oh well *wink* one by one I know she will. Hahaha! May listahan pala!

Today, since parehas kaming off umaga palang magkausap na kami. Sinamahan niya ako sa bus ride hanggang makarating ako sa doctor's appointment ko. Then after that sabay kaming nag-lunch. Ngayon naman, nagsa-shopping siya sa Dillards. 70% off kasi ang mga winter clothes, kaya sinasamahan ko siya. May nakita siyang wool coat na type ko, 2 designs 'yung pinagpipilian niya. 'Yung isa may hood, 'yung isa wala. Sinend niya sa akin ang picture para papiliin ako. Mas pinili ko 'yun may hood, kasi naman super girly 'yun isa! Saka mas kailangan ko 'yung may hood kasi malamig dito. Hehehe!

Wool coat with hood

The "girly" coat

Nagsa-shop din siya ngayon ng mga dress shirts. May nakita siyang isa na bagay sa akin, alam na alam niya kasi kung ano ang maganda para sa akin. Kaso ayaw na bilhin kasi daw baka marami na naman mahumaling sa akin at mambabae ako. Ehek! Di na ako kumontra kasi forever tatak ko na ang pagiging babaero, aminado na! Hehehe..

Magsusukat muna daw siya kaya heto nagpo-post muna ako habang andun siya sa loob ng fitting room. ;)

No comments: