Friday, December 25, 2009

Ang lobo at ang mansanas

Ito ang bago kong iPod nano. Regalo ito ng Misis ko. Pero bago ko itong nakuha kanina, sandamakmak na kakulitan muna ang ginawa ko para mapaamin siya kung ano ang regalo niya sa akin. Nadulas kasi siya na may ipinalada siya sa akin, eh surprise daw sana. Ni clue ayaw man lang sabihin sa akin. Sabi niya lobo daw ang ipinadala niya sa akin. Ako naman, hindi naniwala. Pero syempre para hindi siya mainis sa kakulitan ko (na madalas mangyari) tumahimik na lang ako at sinakyan ang sinasabi niya. Hehehe!

Sabi ko na lang nung Martes, "Kailan ba dating ng lobo ko?" Sabi niya Huwebes daw. Kaya nagmamadali naman akong umuwi kanina nung nag-text sa akin si Kuya Ed na dumating na daw 'yung lobo ko. Nung nakita ko 'yung packaging, imposibleng lobo talaga. Ang liit eh. Naisip ko agad gadget o di kaya naman pabango. Kaya dali-dali kong binuksan. Nung nakita ko 'yun gift box sa loob ng kahon, text agad ako sa Misis ko...

"Hindi naman lobo ito eh! Mansanas!"

Hehehe... thanks for the gift Mahal. I like it. May engraved message pa sa likod. Personalized talaga.

Merry Christmas.. I love you. Mwaaaah!

Wednesday, December 23, 2009

Christmas gift for myself

After weeks of thinking it over I finally settled for the CK Euphoria Intense and the CK Intense as my Christmas gift for myself. Hehehe! Ito lang naman ang bisyo ko aside from gadgets eh. I was contemplating on getting a new BlackBerry phone - the Curve or Bold - pero masyadong expensive. Ito na lang muna, less than $100. Unti-unti lang ba. Tingnan ko kung makakaya kong birthday gift 'yung BB Curve by next year.

Kayod! Saan kaya ako makakaraket? Hmmm...

Wednesday, December 16, 2009

Isang taon

...na pala akong nagta-trabaho dito. Hindi ko na namalayan ang bilis ng panahon. Lahat sila noon ayaw maniwalang kaya ko ang trabaho na ito. Kahit na si Misis Tikboy. Usapan pa nga namin bago ako umalis ng Pinas, last resort ko ito. Kung talagang walang chance na makapagturo ako dito saka ko lang papasukin ang trabahong ito. Pero heto, isang taon na pala ako ngayon at marami na din nangyari.

Tinatanong pa rin ako ng ilang mga kakilala kung bakit ko ginagawa 'to, ang layo naman daw sa propesyon ko at sa mga naging karanasan ko sa trabaho sa Pinas. Kung hindi kasi ako nasa pribadong opisina, ahensiya ng gobyerno o maging sa kolehiyo at unibersidad at kadikit ng mga presidente ng kumpanya at eskuwelahan o di kaya hepe ng ahensiya nasa retail sales naman ako. Kaya lahat sila nagugulat pag sinasabi kong nasa RCFE ako. Nung isang linggo lang tinanong na naman ako ng bunso kong kapatid kung kailan daw ba ako magsisimulang magturo sa eskuwelahan dito sa California, sabi ko naman sa ngayon malabo 'yun kasi nga may mga eskuwelahan pang nagsasara dito. Di bale na daw, manager naman daw ako ng RCFE. Susme! As if ganun kadali 'yun?

Saksi si Misis Tikboy kung gaano kahirap ang trabaho ko. Lagi nga niyang sinasabi sa akin na konting tiis pa, mabuti nga at may trabaho ako. Sa dami ng walang trabaho dito ngayon, maswerte pa rin ako. Kung paperworks lang sana, walang problema. Ganun naman talaga ang nakasanayan kong trabaho noon pa. It's where I am good at. Nito ko na lang din natutuklasan na kung ginusto ko palang maging nurse noon, I can be a good one. Inuna pa kasi ang paglalaro ng volleyball eh!

Haaaay... promising naman ang trabahong ito. 'Yun nga lang, kailangan sobrang ingat kasi buhay ng tao ang katapat ng isang pagkakamali. Sandamakmak na kanin pa ang kailangan kong kainin bago ko makuha ang lahat ng teknik. Bawat pasyente kasi iba rin ang treatment.

Ang tanong, pag-aaralin ba talaga ako para maging administrator o hindi? 'Yan ang one million dollar question. Ang kasunod, may increase kaya ako? Ehek!

Abangan..

Thursday, December 3, 2009

My Early Christmas Gift

Ito naman ang kinakalokohan kong meal when I go to Paradise Bakery & Cafe - Blue Cheese Salad and Chicken Walnut Sandwhich with a Chocolate Chip Cookie as desert...hmmmm....yum! Tandang tanda ko pa nung bago pa lang ako dito sa States - Inis ako nun when they serve salad during conferences. Feeling ko kasi para akong kambing, hahahaha! But I guess my taste buds changed.



My gift from my Tikboy - a Bulova watch - Ganda noh? hehehehe! Hindi na sya kuripot! Yeheeey!





Saturday, November 28, 2009

Hello...Hellooo!

Nakapagsulat din sa wakas! Hahahahaha... It's been a while (as in a while). Busy kasi ang inyong abang lingkod pero hopefully I will start writing again - hopefully. I was telling my Tikboy, that I'm way too happy right now that sometimes I forget to blog. Mas masipag kasi ako mag blog pag malungkot saka nag se-senti hahahahaha!

We are doing ok. Napagtitiisan namin ang isa't isa, ehek!

Makulit pa rin si Tikboy (as in sobrang kulit). Sabi ko nga kung alam ng mga estudyante nya dati na ganun sya ka kulit. Sabi ba naman sa akin, hindi daw. Alam nila serious at pormal daw sya. Seriously??? Hahahahaha! O sige na nga. Sabi ko nga, hayaan ko na ganun ang tingin ng mga fans nya sa kanya, ehek.

I passed my certification, yeheeeey! - without studying (yabangers). I didn't even tell her that I was going to take the test that day. Although she has an inkling about it. Ang tahimik ko daw kasi masyado. Yun pala nag te-take ako ng exam, mwehehehehehe!

Since I made it, she gave me a gift :) A Bulova watch.

Yep, I know. Shocking. Hindi na sya kuripot noh?

Hahahahahaha! Will post pictures soon!

Monday, October 26, 2009

Balik tanaw

Naka-isang taon na pala ako dito sa Amerika. Hindi ko halos namalayan. Ambilis kasi ng takbo ng panahon. Hindi ko na nga iniisip at inaalala ang mga bagay na makakapagbigay sa akin ng stress. Sabi nga ni Misis Tikboy, "one day at a time" lang. Kaya heto, nagulat na lang ako nung Biyernes pagkagising ko, isang taon na pala ako dito.

Hindi ako nagre-reklamo. Ang daming magagandang bagay na nangyari sa akin sa isang buong taon mula nung sumakay ako ng eroplano - kahit ba na-delay pa ito ng apat na oras bago nakaalis ng NAIA. Kaya halos otso oras din ako sa Hawaii pagala-gala habang naghihintay ng eroplanong maghahatid sa akin sa Phoenix. Kumbaga, sobrang blessing. Hindi madali ang buhay, ganun naman talaga. Mahirap talaga ang buhay. Pero kung magaan mong tatanggapin ang mga dagok na ibibigay sa 'yo, nagiging maalwan ang pagtanggap dito. Di ko naman sinasabi na wag kang lumaban, hindi naman pwedeng ganun na tinatapak-tapakan ka na lang. Paminsan-minsan umaray ka rin. Kung panay ang tulak sa 'yo at mahuhulog ka na sa bangin, kailangan mo na rin tumulak pabalik hindi ba? Pwera na lang kung may death wish ka.

Dami sigurong nagtataka kung bakit hindi na kami halos makapagsulat ni Misis. Bisi-bisihan kasi. Kalalaro ng Cafe World. Hahahaha! At saka madami ring iba pang mga pangyayari, mga bagay na kinakailangan ng atensyon. Kaya heto, bihira na lang kami makabisita (parang hindi kami ang may-ari nitong blog ah).

Hayaan niyo, sisikapin namin na makapagsulat ng mahaba-haba sa susunod. Susme, kala mo naman sandamakmak ang nagbabasa nitong blog namin!

My song wishlist (partial list)

Stop, Look, Listen (To Your Heart)
Boney James
Send One Your Love

What a Fool Believes
The Doobie Brothers
Greatest Hits

Heart to Heart
Kenny Loggins
Yesterday, Today, Tomorrow: The Greatest Hits

That's the Way of the World
Earth, Wind & Fire
That's The Way of the World

The Most Beautiful Girl
Brian Gallagher
Rare Requests, Vol. 4

I Just Wanna Stop
Gino Vanelli
The Best of Gino Vanelli

Never Can Say Goodbye
David Benoit
Heroes

Smoke Gets in Your Eyes
David Sanborn
Pearls

Sunrise
Simply Red
Home

It's a Shame
Paul Jackson, Jr.
Still Small Voice

Comin' Home Baby
David Sanborn
Time Again

Sadeness, Pt. 1
Enigma
LSD: Love, Sensuality and Devotion

Wrapped Around Your Finger
The Police
Every Breath You Take: The Classics

That's the Way Love Goes
Norman Brown
After the Storm

Soulful Strut
Grover Washington, Jr.
Soulful Strut

Another Sad Love Song
Euge Groove
Euge Groove

Get Down on It
Kool & the Gang
Disco Years, Vol.7: The Best Disco in Town

It Ain't Over 'til It's Over
Lenny Kravitz
Mama Said

The Way You Move
Kenny G
At Last...The Duets Album

I Can't Tell You Why
Eagles
The very Best of Eagles

The Look of Love
Dusty Springfield
The Silver Collection (Philips)


Biggest Part of Me
David Pack
The Secret of Movin' On

Friday, September 25, 2009

Enough of Owen

May sakit ang Misis ko at si Owen ang may kasalanan! Paano napupuyat kaka-date nila. Halos hindi na natutulog para lang maipagluto at mahatiran ng pagkain sa minahan 'yang Owen na 'yan. Hmp! Kaya ngayon banned muna si Misis Tikboy sa paglalaro ng Harvest Moon. Kailangan niya magpahinga at matulog ng maayos (oo na, nakahanap ako ng excuse para mapatigil siya sa paglalaro).

Misis Tikboy is now back on reading. I just wish she gets enough sleep or else she will be back in the doctor's clinic once again. I know her, once she gets a hold of a good book she won't put it down. And just today she bought a few books, she's almost finished with the first one. Geez!

Well, at least her mind if off Owen. That's a good sign.

Now, back to my reading spree. I'm on my second book by David Gibbins. Now I am asking myself why I did not study nor teach Western Civilization! I've been bombarded with info on Harald Hardrada, Vespasius, Crusades, the Menorah and a lot of stuff that I haven't heard of. Which makes me curious. Now I've got to read his next book while waiting for my copy of Dan Brown's The Lost Symbol (thanks Mahal!).

Tuesday, September 22, 2009

Remote support via Team Viewer

Two nights ago my brother sent me a message in FB telling me that he's online. He asked me to go online so that he could send me the MS Office 2003 installer that I need for my netbook. It was two in the morning and I'm still at work but I opened my netbook and sent him a message using my BlackBerry. I opened my YM so that he could send first the TeamViewer installer. It took about 5-10 minutes before I got the file. When I got it, I installed it and then opened it. We needed the program so that he could send me other files that YM cannot handle. We thought it was going to be easy and fast but the moment he sent the file he was notified that it will take 4 hours. So, I told him that I'd just leave my computer open and then went back to sleep.

When I woke up at six in the morning, the file transfer was still ongoing. So I told him that I could not wait for it since I got to get to work. That's when he told me that he'd just remote access my computer - meaning papakialaman niya habang nasa Pinas siya at andito ako sa US. We usually do something like this when I was still in RP. So, I gave the permission. When I went back to my room to check up on the download status I saw applications in my netbook being tinkered by my brother. Then he was sending me messages via YM like: pinabilis ko na computer mo, alisin mo 'yung wallpaper at ilagay mo sa Windows classic kung gusto mo pa mas mabilis.. etc. We were supposed to install an anti-virus software but he was so sleepy so we postponed it to another day.

That night before Misis Tikboy went to work I was telling her what we did with my netbook via remote access. She said, Pwede pala 'yun? Sarap naman may kapatid na gaya ni Boy! Told her that anytime she needed to have her laptop's performance checked for optimal use we could always ask Boboy to do it for us. Sabi ba naman niya "Ayoko nga! Baka sabihin mo pa kay Boy tingnan kung ano mga nasa laptop ko!

Talaga naman itong Misis ko! Ambilis mag-isip! Hehehe.. Sana applicable din 'yung
remote support/access sa tao no? Ehek!

Friday, September 18, 2009

Si Owen.. Si Owen.. Si Owen.. Palagi Na Lang Si Owen!

Got addicted pretty bad on farming games.... Since FarmTown no longer gave me challenge, I turned to a Harvest Moon, a Wii farming game. Hindi ko nga alam kung nakakatuwa ba o ano , pero I find myself staying more at home now because of these games. Mas gusto ko pa minsan ang maglaro kesa mag-ikot at mag shopping (haaaay salamat - sabi ni Mr Tikboy, hahahahaha!)

Harvest Moon is a game wherein you create your character and create own ranch from scratch. You'll have a barn - farm animals where chicken lay eggs, sheep gives you wool, cows give you milk, horses you ride. The "nice twist" in this game is that may mga "landian portion" - there are eligible bachelors and bachelorettes that your character can get involved with.

Among the bachelors, si Owen ang pinuntirya ko. A miner, loves to work long hours in the mines, loves rice dishes and cocktail. Dito umentra si Tikboy ko...

Tikboy: Ano? Nagpapaligaw ka?
Misis: Yesss! Sa game lang naman.
Tikboy: Sus!

As the game progresses, I tell my Tikboy that Owen asks me for dates now and gives me gifts. Last night, she went into a barrage of "complaints"...

Tikboy: Nagluluto ka na dyan sa game mo?
Misis: Yes..
Tikboy: Baka naman si Owen pinagluluto mo pa..
Misis: Minsan dinadalhan ko ng lunch sa mines.
Tikboy: Buti pa si Owen pinagluluto mo!
Misis: Ipagluluto din kita balang araw
Tikboy: Talaga!
Misis: Hahahahaha!
Tikboy: Baka naman unahan pa ako nyan sa pagpapakasal syo.
Misis: Malamang
Tikboy: Ano?? Sakit dibdib ko ha..
Misis: Ungas, hindi nga????
Tikboy: Kumirot nga
Misis: Malamang sa Summer o Fall ng Year 4, magpapakasal kami
Tikboy: Anong year ka na?
Misis: 3. Winter time na
Tikboy: Mauuna nga!
Misis: Magkakaanak pa nga kami sa future eh.
Tikboy: HMP!

I love my Tikboy when she is like this - so unpredictable, hahahahahaha!

Monday, September 14, 2009

Virtual date

Busy si Misis. Sa trabaho, sa bahay at lalo na sa games. Mapa Farm town, Farmville, Restaurant City man 'yan. Pero isa sa pinakamatinding umuubos ng oras at panahon niya itong Harvest Moon. Talaga naman maa-adik adik siya at halos magkaron ng withdrawal symptom kapag hindi nakakapaglaro nito.

Hindi ko pa ito nalalaro kasi wala naman akong Wii. Pero sa mga kwento niya, mukhang mas maganda talaga kaysa sa games sa FB. May mga hayop na siya at ang ku-kyut ng mga pangalan nila. May Mikmik, Muniknik at Manok. Andun din si Giddiyap, Papaitan, Bibe, Tetuts.. at marami pang iba.

Pero kaninang madaling araw nagulat ako sa text ng Misis ko. Sabi niya:

Misis: Hihihi! May date kami ng bf ko sa Harvest Moon. He asked me out.
Tikboy: Susme! Sino ba naging bf mo jan?
Misis: MU pa lang! Hahaha! Si Owen! Send ko pix sa 'yo.

Misis Tikboy and Owen at Caramel Falls

Mister: *selos mode pero nagtimpi* Hmp! Ang taas ng waistline ha!

Teka, ano ba talaga? BF o MU? Hindi naman halatang selos ako no? Virtual date pa lang 'yan. Pano na kaya kung real life? Hmmm.. abangan ang paglabas ng totoo ng kulay ni Mister Tikboy. Maghahalo ang balat sa tinalupan. Ehek!

Monday, August 31, 2009

RCFE turned office at night

This is my life at night. Aside from having to check up on my patients until midnight I have this makeshift "office" in the dining room. Hehehe! What do I do? I work. Well, I have my own farm to attend to and at the same time I have to work to earn some coins. Naks, akala mo naman kung ano ang negosyo no? Farm Town lang po! Hahaha!

Mula nga nung na-
addict kami ni Misis Tikboy eh dito na nauubos ang oras namin kapag tapos na ang trabaho. Kahit nung umuwi siya dito, we made it a point to allot time for playing. We couldn't believe that we could both be quiet and stay in bed for the whole day playing this virtual game. Seryoso pa kamo kami habang naglalaro! Hahahaha!

I miss Misis Tikboy. I miss being beside her even while playing Farm Town.

Friday, August 14, 2009

I Know... I Know...

It's been a while I know... Pasensya na. It's just medyo busy ako sa Farm Town hehehehehe! Things have been ok. Sabi ko nga kay Tikboy, masaya kasi tayo ngayon kaya hindi tayo masyasdong nakakapagpost. Masarap pala ang feeling ng tahimik na namumuhay, ehek! Matagal tagal na rin kami hindi " nag diskusyon" ni Tikboy - which is good. We start our days with a phone call to each other and end it by playing farm town together - o san ka pa! Mega bonding.

I guess it really made a big difference that she came here. Mas panatag ba ako (lumabas na ang katotohanan! hahahahaha!) and in the same way, panatag din sya. We easily talk to each other....and when things start getting bad and we're missing each other, I go "home".

I feel blessed that He gave us something to work on. He gave us a glimpse of hope. Yeah, I still go by my "one day at a time thing". She understands that. We're more open now. More giving I guess... Things are different. We're both matured now. More realistic. We work on small things first - you know goals that are attainable at this time.

.... honestly, I'm happy right now.

Monday, August 3, 2009

Bike accessories


Nag-biking trip ako ngayon. Kaso bumili ako ng accessories nung pauwi na. Hehehe! Head and tail lights plus bike computer.

Lupain



Hehehe! Ito na ang lupain namin ni Misis Tikboy sa Farm Town. Hindi na nga namin makuhang mag-post dito sa sobrang ka-adikan sa larong ito. Susme!

Sunday, August 2, 2009

Recludere

Pagkain ng tamad!


Just for a night. I want freedom.

Wednesday, July 22, 2009

Harvest

Sometime this afternoon...

Misis: Naadik ako dito sa farm town sa facebook

Tikboy: Ngek! Kelan ka pa natuto niyan?

Misis: Tingnan mo Mahal para ma-harvest mo 'yung farm ko pag sleep me. Hehehe

Tikboy: Yan ata 'yung nilalaro ni Jason na pinapagalitan ko siya kasi di mapigilan magbukas ng laptop kahit naka-duty para mag-harvest!

Misis: Yep. Yun nga! Pangit pa farm ko kasi kagabi lang ako start.

I got curious as to what this Farm Town apps in Facebook is that everybody seems to play and get addicted to. I promised Misis Tikboy earlier before she went to work that I'll harvest her potato field at 11 tonight. So I waited for her call to get into her FB account and listened to her instructions on how to do it. I was half smiling the whole time because she was 30 minutes late. She's so damn busy at work but she managed to sneak in a little time to make this "harvest" thing. I'm really curious on how this apps work and what makes it appealing and irresistible to those who starts playing it. So, I googled it and found this article in eHow

Farm Town is a lively, engaging and fun interactive farming program on the Facebook social networking site. Here are a few tips to help you make the most of your "down-home" experience!

Instructions
Things You'll Need: * Facebook account

Step 1

Once you are a Facebook user, simply search the applications for "Farm Town". When you are prompted, allow access to the application and it will set up a new virtual farm for you. All "farmers" start at Level 1 as a "Getting Started Farmer". With the game "coins" you will begin by using the "hoe" icon to plow fields, the "store icon" to buy seeds to plant and the "scythe" icon to harvest them. Once you harvest them(and always use the harvest and store option - you get more coins than harvest and sell!), you will see the harvests accumulate in your "shed". When you are ready, click the shed icon and it will take you to the market to sell the harvest for more coins. Then you go back to your farm to plow and plant more seeds!

Step 2

There are really three way to "win" or advance levels in Farm Town: 1) plant and harvest crops as indicated above, 2) hire workers to help you harvest your fields and 3) invite and visit neighbors. For the first option, just use the plant, harvest and sell option to earn coins. This is a slow and steady way to make a beautiful farm.

Step 3

As with all real farm communities, growth comes with community! The second option to earning coins is to visit the marketplace FIRST and hire workers to pick your crops for you. They receive a nice payment of coins and you receive your full crop price - PLUS 25% for hiring them to do it. You will ALWAYS receive more for your crops if someone else harvests them. A hint - add the workers you hire to your buddy list (click on their icon and you'll find the action) if they do a nice job and you have guaranteed good workers the next time- plus, they will probably hire you, too, when they need help!

Step 4

The last way to earn extra coins is to make and visit neighbors. Neighbors are those people you invite from your Facebook friends, which makes them different from buddies, whom you add while you are in Farm Town. Each neighbor will be added to your neighbor list and you can earn coins by going to their farm each day and "helping" them by raking, watering, etc. You can also send and receive Farm Town gifts from neighbors, both trees and farm animals. You can use them to grow fruit and populate your farm, or sell them at the market to earn more coins. Visiting and helping your neighbors will also help you earn the 8 Farm Town trophies!

Step 5

As in real life, as you get more money, your options increase. With each new level, new seeds and farm items will become available for you to buy. The seeds will cost more but will yield more coins when harvested. The gifts you receive and send to neighbors will also be worth more, so start cultivating neighbors so you can receive gifts every day. Once you reach level 15 and above, you will also be able to buy more land to make your farm larger. Since this allows you to plant more crops, this will help you bank account grow as well.

Step 6

Playing Farm Town and is fun and diverting and the creators are always adding new items to buy and seeds to plant, so it never gets tiring. Enjoy your new career and I hope to see you around the Marketplace!

So, will I be as hooked as my wife is? We'll see. She just introduced me to it. I was telling her that I'll just harvest her field whenever she's at work. But she wants me to learn it. Sabi ko kanina paano ba maglaro nun, sagot niya tuturuan na lang daw niya ako pag-uwi niya dito. Ngek!

Tuesday, July 21, 2009

Look what I got!


Still trying to decide what to get.. a Schwinn Ranger or a Dual Suspension Magna Bike

Along Junipero Serra, waiting for the green light

Also got this belt bag. I was thinking of getting a hydration pack but when I saw this, I liked it. Besides, it's cheaper. Hahahaha!

Home, finally. I gave it a test drive from Target to the house.

Monday, July 20, 2009

Beke

Yay! Nakapagpagupit din sa wakas! Ang tagal ko naghintay, almost 3 hours. Dami kasi nagpapagupit kay Adi.

Look closely at the picture. What's wrong with it? Well, according to my brother mukha daw akong may beke. Na-alarma naman ako, 'yun pala nang-iinis lang ang gago! Ang taba ko na daw kasi. Ehek!

Si Misis Tikboy naman, kaninang magka-chat kami sinabihan ako na lunukin ko muna daw 'yung kendi na nginunguya ko. Sabi ko naman, anung kendi? Eh wala naman laman ang bibig ko? 'Yun pala sinesegundahan ang pang-aalaska ng kapatid ko. Susme!


I'm chubbier than usual. I know that. I don't have any exercise although I do a lot of lifting. My only exercise is walking at most 6 miles a week. Other than that I slack around. That's why I'm thinking of getting a carving trikke. Thing is, I can only use it on smooth surfaces. So, I was thinking of getting a bike tomorrow. Hindi ko pa binili kanina kasi nagkuripot na naman ako. Hahahahaha!

Tuesday, July 14, 2009

I want this!


A carving trikke...

From Wikipedia, the free encyclopedia

The Trikke (pronounced "trike") is a human powered, three-wheeled carving vehicle that utilizes conservation of angular momentum to allow a rider to propel forward. The rider alternates leaning side-to-side to move forwards. The width needed to move forward is roughly the width of a downtown sidewalk (1-1.5 m).

A rider may reach speeds of up to 18 mph (29 km/h) on flat ground. It can be used downhill or a level surface. It can move uphill though doing so requires substantial effort. The whole body needs to be used in a synchronized movement.

Pampatanggal badtrip

Things that I bought today, pampatanggal inis lang ba! Leather sandals (sa wakas may kasya sa akin!), black cap na sale sa Anchor Blue, novel ni Baldacci and of course Cortizone cream (may nagnenok ata nung cream ko kasi di ko na makita eh!)
Di pa ako nagpapagupit kaya napilitan akong bumili ng cap, nakalimutan ko kasing magsuot kanina nung umalis ako sa sobrang inis!

Tambayan

Kahapon nag-chat kami ni Misis Tikboy hanggang alas kwatro ng umaga. Dumadaing kasi ako na wala na akong matambayan pag off ko, ayoko naman na sa mga mall kasi hindi rin naman ako tumatagal maghapon dun. Pag nabili ko na kasi kung ano ang gusto ko, wala na ako hilig mag-ikot pa. Nabanggit ko tuloy sa kanya na balak kong magpunta sa mga park para lang tumambay at magbasa. Meron kasi akong pinupuntirya, 'yung Orange Park na may swimming pool para pwede na rin akong mag-exercise. Kaso naman, hindi ko pa natitingnan 'yung place. Nag-suggest si Misis na tingnan ko daw 'yung Half Moon Bay State Beach, pwede daw mag-camping dun. Kahit tumambay ako maghapon at mag-set up ng tent okay lang. Kaya 'yun, pagkagising ko kahapon nag-decide akong magpunta sa Half Moon Bay. Buti na lang na-research ko na 'yung mga sasakyan kong bus nung magka-chat pa kami ni Misis. Samtrans 390/391 hanggang Hillsdale tapos transfer naman ng 294 hanggang Halfmoon Bay.

Actually, tanghali na ako nakaalis. Halos ala una na ng hapon. Eh isang oras din halos ang byahe mula SSF papuntang San Mateo. Tapos pagdating ko pa dun, na-miss ko na 'yung bus na dapat sasakyan ko by a margin of 5 minutes. Susme! Ang ginawa ko tuloy nag-ikot muna ako sa mall. Kasi isang oras at kalahati pa bago dumating ang next ride ko. Buti na lang dala ko 'yung Map of Bones ni James Rollins, nakapagbasa din ako nung naikot ko na ang mall at mahaba pa ang oras ng paghihintay ko.

Nung nasakay na ako ng 294, text ko kay Misis na parang liblib na 'yung lugar. Eh paano ba naman kasi, feeling ko paakyat na ako ng Baguio dahil zigzag na 'yung daan! Paakyat pa kamo. Hehehehe! Another 40 minutes ride pa bago ako makarating sa vicinity ng beach. First time ko pupunta kaya nangangapa ako, wala naman akong dalang mapa. Tiningnan ko lang the night before sa google. Hehehe! Pagbaba ko sa Main St/Kelly Ave. nakita ko 'yung number ng bahay, 565. Susme, ang haba pa ng lalakarin ko kasi 95 Kelly Ave. ang destination ko. So, mega lakad naman ako. Buti na lang mahangin kahit mainit. Breezy pa dahil malapit na sa beach.

Long and short of it, narating ko naman. Sa Francis Beach ako napadpad. Nagtanong-tanong lagn tungkol sa camping rules, naglakad-lakad sandali tapos umalis na rin ako. Kasi naman kailangan kong habulin 'yung last trip papuntang Hillsdale. Kung di ko aabutan 'yun mapapagastos ako dahil kailangan kong mag-check in sa Holiday Inn. Ehek! Gastos!

Don't worry, inabutan ko naman 'yung bus. Hehehe.. kaya nga next time, aagahan ko na. Para naman makapagtampisaw ako ng konti sa tubig habang nagse-senti. Mas masarap kasing maglakad sa tabing dagat kung ka-holding hands ko si Misis Tikboy. Pero habang wala pa siya dito, solo flight muna ako kaulayaw ang BB ko at mga nobela. Ehek!

Friday, July 3, 2009

Sigma series




I finally found someone other than Dan Brown who could satisfy my thirst for reading in the person on James Rollins. I've tried David Baldacci, liked him, but his novels lacked something that I am really interested on - a tinge of historical fact. That's what I love with Dan Brown and James Rollins, they mix facts with fiction.

I just finished reading The Judas Strain this afternoon. Good thing Misis Tikboy sent my epektos and it arrived today. Now, I have Black Order and Map of Bones. Hehehe! I'm going to start reading again as soon as I put my two patients to bed.

Can't wait!

Thanks Mahal!

Saturday, June 27, 2009

We confuse attachment with love. Attachment is concerned with my needs, my happiness, while love is an unselfish attitude, concerned with the needs and happiness of others.... A relationship free of unrealistic grasping is free of disappointment, conflict, jealousy, and other problems, and is fertile ground for the growth of love and wisdom.

- Kathleen McDonald, "How to Meditate"

Wednesday, June 17, 2009

Motivation to write

Ewan ko ba, mula nang mapunta ako dito tinamad na akong magsulat. Dati-rati naman matindi ang motibasyon ko, kahit nga sa likod ng pakete ng sigarilyo o tiket sa bus nakakapag sulat ako ng tula. Kung nabebenta lang ang mga tulang naisulat ko noon, mayaman na siguro ako ngayon. Hahahaha! Sabi nga ni Misis Tikboy nung isang araw bakit daw hindi ako ulit magpadala ng tula sa Poetry.com baka sakaling swertihin na ako ngayon. Hanggang sa semifinals lang kasi ako nakaabot noong 2001. Pagkatapos nun, hindi ko na sinubukan ulit.

My motivation used to be heartache and pain. It still is. I write better when I am in a depressed mode. Writing my thoughts and feelings was just an outlet for me. A constructive outlet. Rather than succumbing to my dark side of being morbid and violent, I write. But lately I seem to have lost my flair for writing. Why? Masaya kasi ako. Hahahaha! At kapag masaya ako, puro kamanyakan ang nasa isip ko. Ehek!

I wrote something last night. Kaso na-censor ni Misis Tikboy. Hehehehe! It's kind of personal. I'll give you a hint - the title of the article is "Tikboy's bedroom thoughts" kaya hayun, pagkabasang-pagkabasa niya nag-text agad sa akin sabay sabing i-edit ko 'yung sinulat ko. Ehek! Minsan nga naiisip kong maging erotic writer 'yung tipong mala Xerex. Baka sakaling dun ako kumita at yumaman. Hahahaha!

Bakit nga ba halos lahat ng tao ang bukambibig eh "Pag yumaman ako..." sarap kasi mangarap. Sarap sana makuha 'yun mga bagay na sa ordinaryong pagkakataon, sa realidad ng buhay eh hindi mo agad-agad makukuha. Maraming beses hindi ako makatulog kakaisip na kinabukasan mababasa ko ang diyaryo at makikita kong tumama ako sa loterya. Seryoso, tumataya na ako sa
lotto ngayon. Mana talaga ako sa lolo ko, lalo na naman akong aasarin ni Misis na talagang apo ako ni Rizal! Hehehe.. pero sana nga parehas kami ng kapalaran, sana manalo rin ako. Hindi rin naman magkaiba ang intensyon ko sa naging intensyon at aksyon ni Lolo Pepe noon - mag-invest sa lupa, mag-negosyo at ipadala ang ilan sa nanay ko para maipambayad ng utang. Ehek!

Hindi na ako bumabata, pag naiisip ko nga ito parang nauubusan ako ng panahon. Sa buhay na inisip ko noong bago ako makapagtapos ng kolehiyo, sa ganitong edad establisiyado na ako. Pero hindi ito ang realidad ng buhay ko ngayon.. panibagong buhay, panibagong simula. Sabi nga ni Tita Baby,
late bloomer daw ako. Matinding hirap muna ang pagdadaanan ko bago ko makuha 'yung mga bagay na pinapangarap ko. Pero sa sandaling madaanan at malampasan ko 'yung paghihirap na 'yun puro naman daw ginhawa.

Sarap marinig. Sarap umasa. Pero sa ngayon, kayod muna. Dasal, tiis. Dagdagan ang pasensiya. Ngiti kahit inis. Gising kahit antok. Hindi naman malayong mangyari ang lahat ng 'yun.

Darating din ang umaga. Pero sa ngayon, pagkagat ng dilim gigising ang bampira. Ehek!

Tuesday, June 16, 2009

Top 10 Reasons Why Women Love Vampires

My Tikboy has always associated herself as a vampire, beat that! I read this in an article and I kindda made a conclusion that my Tikboy has indeed the makings of a vampire, hahahaha! Read on... I put my own bits and pieces to it.


No.1 - Vampires are the ultimate bad boys/girls

Women love baaad. Now mix in the fact that a vampire is searching for eternal love and needs a woman to survive; you’ve got yourself the ultimate bad boy/girl - answers to no one, lives by his own rules & wears nice clothes.

------ My Tikboy has been independent eversince. She has her own principles so to speak. She has her bad streaks too - and when she is bad, that's when it's good, hahahahahaha!

No.2 - Vampires are powerful

Vampires exude two types of power. The first is the raw, physical power. The vampire is always in phenomenal shape; it must be the low carbs/high blood diet and tons of sleep. The second type of power is mental. He's usually a manipulative bastard who can match brains as much as brawn. This amazing one-two combo is a major reason women love vampires. Moreover, it’s almost impossible to kill a vampire.

------ Yep, she can be manipulative if she wants to. Kung hindi ba naman eh, ilang beses kaya nagkaroon ng 2 gf yan at the same time! Power I tell you. Hirap kaya mamangka sa 2 ilog LOL! (sorry baby...)

No.3 - Vampires are romantic

Give those dead, bloodsucking bastards credit: they know how to romance the pants off a woman. The setting is always dark and mysterious and the atmosphere is just right for doing something dirty.

------ Si Tikboy, mega romantic to the max! Napaka... as in... ang tinding mag-alaga. Kaya nga ang daling madevelop ang mga girls pag kasama sya palagi... tulad ni____ (hmp!)

No.4 - Vampires search forever to find "her"

Woman love to think they were destined to be with one man for the rest of their lives. They love the romantic angle of a soul mate -- two people destined to meet, fall in love and be together forever. Now imagine that man is just as eager to find her and has been searching for untold centuries. It knocks a woman off her feet like a silver bullet through the heart. When a vampire sinks his teeth (figuratively) into a woman, he makes her feel like the only woman in the world. It’s no wonder women fall hard.

------- Pangatlong beses na kaya namin ito... Susme... we always find each other no matter what. Soulmates nga di ba? Hindi ko rin nga alam kung bakit...

No.5 - Vampires are persuasive

Vampires have a calming demeanor. They are suave, smooth and soft-spoken, and the women eat it up. They convince the smart and savvy women that their odd behavior is on the up-and-up. They even convince them it’s cool to suck blood.

------- Nakow, kung kilala mo si Tikboy, you know that she is an epitome of calmness. Suave sa babae kaya matindi hahahaha! Pailalim kung kumilos... Saka noh, titigan lang ako, nahuhulog na ang mga hindi dapat mahulog, ehek!

No.6 - Vampires are moody

Women beg to differ, but they honestly do like the occasional hint of drama in a relationship. It keeps things fresh and exciting. This is perfect for the vampire, whose mood is constantly changing.

------- Moody at selosa kamo!!!!!

No.7 - Vampires love necking

Woman love sex. Honestly. But what they love even more is all the fooling around that should be involved before sex. As we all know, men just like to get down to business -- but not vampires. They want to mess around. Particularly around the neck area -- the “sweet spot” as it’s known around the coffins. They know how to start off tender and soft and then get a little rough. Rough enough to draw blood. Kinky.

------- "they know how to start off tender and soft and get a little rough" ..... ahhh...uhmmm...teka... natataranta ako..paano ba..... No comment, hahahahahahaha!

No.8 - Vampires dress well

Ever seen a poorly dressed vampire? Never. Vampires are always impeccably dressed with perfect hair and a nice complexion. They wear their clothes well and always with the perfect fit.

----- Need I say more? Yan kaya ang unang napapansin ng mga "hitad" sa kanya... saka yung amoy nya na super bango.

No.9 - Vampires require no commitment during the day

Even though women love to spend as much time as possible with the man they adore, they still want some alone time to do things with the girls or on their own.

------ Ito lang ata ang trait ng vampire na hindi para kay Tikboy ko. Tikboy is all commitment - no more, no less...


No.10 - Vampires are loners

Vampires work alone. They don’t have many friends, and if they do, they are usually out doing their own thing. Women love vampires because they have all the time in the world. Literally.

------- Very Tikboy trait. Hindi mahilig maglalabas. Mas gusto magbasa. Misteryoso epek! Kaya naman pansinin eh. Naattract ang girls dahil sa pangiti ngiti at patingin tingin na style.

Thursday, June 11, 2009

One Year Lang?

Somebody asked me kung talagang nakaka one year pa lang kami ni Tikboy. Well, actually, it's just one year for the third time around. Masalimuot ang kuwento naming dalawa - pang MMK ba, hahahahaha!

Our first was way back in HS. Then second time around was way back 2000. Naka five years rin kami that time. Then we parted ways only to rekindle whatever we still have last year.

Kaya, yes Virginia, there is a Santa Claus and yes, I deserve the ring, hahahahahaha!

Wednesday, June 10, 2009

Regalo

Sunday pa lang alumpihit na ako. Paano ba naman hindi ko pa nabibilhan ng regalo si Misis Tikboy, first year anniversary pa mandin namin. Patay! Kaya nga pagkatapos na pagkatapos ko sa trabaho tinanong ko agad ang kasama ko kung hanggang oras ang mall. Kaso Linggo nga pala, mas maaga nagsasara ang Serramonte Shopping Center at The Shops at Tanforan. Pati nga sana Costco o kaya DS Market papatulan ko na, kaso maaga rin nagsisipagsara. Kaya 'yun, sabi ko na lang pipitas na lang muna ako ng bulaklak sa bakuran para ibigay kay Misis Tikboy pagbaba niya ng eroplano.

Matagal ko na siya gusto bilhan ng singsing kaso hindi ko sigurado kung magugustuhan niya ang pipiliin ko o hindi. Sigurista pa mandin ako, ngek! Kaya nga kanina hinatak ko siya para tumingin sa Zales. Habang namimili siya ino-obserbahan ko lang. Mga band rings ang tinitingnan niya... hmmmm.. kaso may isang singsing na talaga naman kumuha sa atensyon niya na nasa Bridal ring selection - isang engagement ring at wedding ring in one. Paghawak pa lang niya at pagsukat alam ko na gusto niya talaga. Kaso, sabi niya pag-iisipan pa daw. Kaya naglakad-lakad muna kami. Dinala ko muna siya Best Buy para tingnan sana 'yung HP Mini Vivienne Tam edition na gusto kong ibili sa kanya. Kaso walang stock sa store, online lang. Isa pa masyado daw maliit para sa kanya. Bumalik kami sa loob ng mall at tumambay sa Starbucks habang umiinom siya ng PTL at kumakain kami ng Nachos. Bigla niyang sabi sa akin "Sakit tiyan ko Mahal..." Ngutimi ako sa kanya sabay sabi na, "Masakit? O excited ka lang?" Ngumiti ang loka sabay hampas sa akin. Sabi ko sa kanya, "Halika na, bilhin na natin singsing mo."

Kaya heto, megalambing siya sa akin to the max habang tinititigan ang singsing niya. Yihiiiii!

Dog Style


Luchi: "Are you free Tikboy???"


Gucci: "Pa-kiss nga Tikboy"
Tikboy: "Yoko nga... behhh!"


Gucci: "Buti pa si Mahal.... magpapakiss"

Si Luchi...si Gucci...Si Princess - mga piping saksi sa dopamine induced vacation namin, hahahahaha!

Akala nyo kung ano noh? Madudumi ang isip!!!!! Hahahahaha!

Anniversary gift..


:D First year anniversary namin ni Tikboy ko kaya nga nandito ako. After ma satisfy ang dopamine namin (hahahahaha!), we went to the mall. Kala ko mag-iikot lang kami then out of the blue, nagsalita ang bruha na kinaloka ko, "lika, bili tayo ng singsing".

Huh? Tama ba ang naririnig ko???

Syempre, pa demure pa ako - "ano? wag na..."

"Sige na..." Dumiretso sya sa Zales... Nag mega look kami. May nakita ako pero syempre, mahal kaya hindi na ako kumibo... Umiikot ikot muna ako sa mall. Pinilit pilit nya ako paaminin kung ano gusto ko. Kilala nya ako kaya alam nya kung ano yung nagustuhan ko.

"Ang mahal..."
"Ok lang yan..."
"Wag na mahal.."
"Pag established na ako talaga, papalitan ko yun ng mas maganda pa.."

In the end, binili nya rin! Hahahaha! Pa-echos pa ako noh?

Imagine? Binilhan ako ng singsing ni Tikboy ko na uber kuripot???

Hahahaha... thanks mahal... i love you...

Tuesday, June 9, 2009

At nagdaan ang isang gabi..

Dahil puno ng dopamine ang Misis ko, may mga title ng story akong naisip. Isa lang ito..

Libog meets Porn Star: Di bale nang pagod, di naman bitin. Hehehehe!

To be continued...

Monday, June 8, 2009

Why Vacation Sex Is So Good

Why Vacation Sex Is So Good
-Lori Leibovich, Glamour Magazine July 2009 issue

Ah, the joys of summer. Being on holiday may make you want to have sex more and lead to more orgasms, research shows. Why? Your amygdala, the part of your brain associated with stress and worry, needs to deactivate for you to climax. "That's much easier to do when you're in a vacation, says New York City based clinical sexologist Ian Kerner. Time away from your routine can also stimulate the release of dopamine ("the pleasure hormone") in the brain, he says, which plays a major role in arousal.

"To get turned on", Kerner says, "you really do have to turn everything else off".


Interesting... Well, I just want to say one thing -

I am full of dopamine right now, hahahahahaha!

Monday, June 1, 2009

Eh paano pag nalaman mong off ka pa pala?

Ano pa nga ba eh di mag-check in ka na at nang makapag-pahinga! Hahahaha!

I thought that I was on duty tonight because that's what the scheduled said. But when I called my boss to check if I'm on duty she told me that she made a mistake. I'm off for two days which means I'll be reporting for duty tomorrow night. Susme, kung nalaman ko lang kagabi hindi na sana ako na-bad trip! May bago kasing pasyente kaya namumuyat. Ang problema kahit hindi ako naka-duty tinatawag pa rin ako ng mga naka-duty dahil dun ako natutulog. Haaay naku! Kaya nga nung nalaman ko kanina na wala pala akong pasok nag-ayos agad ako ng gamit kahit gabi na! Hehehehe..

Alone time. Yihiiii! Walang pasyenteng tatawag, walang pasaway na kasamang naka-duty pero tulog magdamag!

The bed. Not bad, but I did bring my own kumot. Masyado kasing sensitive balat ko, natuto na ko sa experience namin ni Misis Tikboy sa Hotel Bijou.

A/C in California? Oh yes! Isa ito sa pinapahanap ni Misis Tikboy. Hindi kasi uso dito sa California ang airconditioning dahil natural na malamig. Hehehehe!

So here I am at De Luxe Inn. For 60 bucks I got this room for the night. So far, so good. Free wifi internet, the room's got cable TV, microwave, personal refrigerator and complimentary bottle of water, ehek! Thing I could only stay until eleven in the morning. Darn! If I want to extend my stay I have to shell out an additional 10 bucks for two hours. Kainis! Di bale, sulitin ko na lang ang gabi. Hehehe!

Sunday, May 31, 2009

Anong nangyayari kapag off mo at nagkuripot ka?

Simple lang ang sagot: bad trip ka.

I've got a split off this week. Instead of having two straight days I'll be taking the day off on two separate days - and one of those days is tonight until tomorrow afternoon. Misis Tikboy's been telling me to check in in a hotel when I'm off duty to fully maximize my rest period or else I'm going to be burnt out. Masyado daw kasi ako kuripot, ayaw ko gastusin ang pera ko. Which is true. I'd rather keep my money than spend it. Mas gusto ko kasing gastusin ang pera ko na kasama siya kesa gastusin kong mag-isa.

Kaya heto, kahit wala akong trabaho para pa rin akong naka-duty dahil andito ako sa work place. Haaaay... sana pala nag-tsek in na lang ako ngayon para nakapahinga. Isang araw na nga lang ang pahinga eh...

Wife knows best talaga.

Tuesday, May 26, 2009

Two days with the Semira's

At Casablanca Cafe
The Semira's. Tito Bart, Darryl and Tita Fe.


I went out with the Semira's yesterday (for dinner) and today (for lunch). They're in town vacationing for Memorial day weekend. Since Darryl, my cousin,is in the cast of Monty Python's Spamalot, he is going to be here for six weeks. Loko nga, hindi sinabing pupunta siya ng rally against Prop 8 kanina after lunch! The CA Supmere Court upheld Prop 8 but declared the gay marriages prior to its passage are valid. Haaaaay...

Anyway, yesterday we ate at a Japanese restaurant. And today, we went to Swan's Oyster Depot in Polk St. between Sacramento and California. Susme, ang haba ng pila! But it was worth the wait. Ang sarap ng combination cocktail and crab salad!

After a hearty meal we went to Casablanca Cafe for coffee and across the street I saw this..

At first I thought that the place was a haven for pyschic and gypsies, nagkwento pa nga si Tita Fe na may lumapit daw sa kanya at sinabing maganda ang vibes niya. But when I looked at it closely after we left the cafe, mga sex toys pala ang laman niya. Ehek! Susme, andun lang pala eh kung saan-saan pa kami naghanap ni Misis Tikboy last January! Mwehehehe!

Hmmm.. maybe I should watch Darryl perform before the tour ends in July. I haven't seen him on stage yet. Sayang nga, sana andito na ako sa Amerika nung nasa cast pa siya ng Mamma Mia para napanood namin siya ni Misis Tikboy.

Wednesday, May 20, 2009

Something edible

Beautiful and mouth watering (parang Misis ko)
Picture muna bago kita kainin (hmmm... ibang kain na naman nasa isip ko)
Takaw!

Me and Misis Tikboy usually talk briefly when I am at work and she is on her way to work. abd from work. Today was no different. In the middle of our conversation she blurted out that she have a surprise for me. I asked her what it was but she just brushed me off. Loka talaga! Pag ako ang nagsabi na may sorpresa ako hindi ako tinatantanan, pag ako ang ang nagtanong iniiba ang usapan!

So when she called this afternoon on her way to work she asked me if I already got it. I told her not yet. Di ko pwedeng isulat dito ang usapan namin kanina at baka ma-censor pa. Hehehe!

A few minutes after we put down the phone the doorbell rang. I saw a van in our driveway and read the sign in it Edible Arrangements. Right there and then I knew what she sent me and I smiled. Sa takaw ko ba namang ito sa prutas! Naglaro pa nga ang isip ko, edible undies ang nasa isip ko kasi. Hahahaha!

Thursday, May 14, 2009

Varsity

Misis Tikboy's message last night stuck to my head. I reminisced my varsity days, I'm just one of those geeks turned varsity in HS and then got hooked on the game because it has given me a new identity. My life changed the moment I finger tossed that ball back in 1989.

Too bad I don't have that much pictures to show off.. nor have video clips and footages to show Misis Tikboy how good I was.. better than when we were in HS. Ni minsan kasi di niya ko pinagbigyan noon. Ni minsan di niya ako pinanood. She has her reasons. I respected that.

Sigh. Sometimes I wish I could watch myself play. Nakaka-miss din kasi maglaro. Minsan nga naiisip ko kung kaya ko pa kayang humabol ng bola at lagariin ang buong volleyball court para lang makuha ang second ball at mai-set up ng maayos. Tabatsoy na kasi ako. Hehehehe!

Volleyball

I was watching FEU women's volleyball team slam the UP volleybelles a while ago (Got the links from FEU Tambayan Forum of course!). Impressive. During my heydays, it was the basketball team that was hugging the sidelines - because of Abarientos and Pablo. After I watched the clip, I hurriedly texted my Tikboy...

M: "Napanuod ko kung pano lampasuhin ng FEU women's volleyball team ang UP mo, hehehehe!"
T: "Nang-asar pa!"

My Tikboy was a member of the UP volleyball varsity team you see... So, of course, sarap asarin hahahahaha! I've never seen her play in College. Yeah, blame it on my suplada attitude, ehek! I remember, she used to send me her schedules on where and when will they have a game. Got to tell you though na hindi na kami that time so deadma lang. I was already busy with my nursing world, hahahahaha! Walang time sa mga kung ano ano...

Ngayon nanghihinayang ako kung bakit hindi ko man lang sya nakitang maglaro nung college days nya. Kung magaling na sya nung high school, I'm sure mas magaling sya nung college. Wala man lang ata picture ang bruha nung naglalaro sya... Haaaay...

Sayang... sabagay, siguro it wasn't meant to be na makita ko sya that time - baka ma in love lang ako, hahahahaha!

Saka, I dont go for atheletes... yabangers!!!!! hekhekhek!

Thursday, May 7, 2009

Epektos

Dumating na ang mga epektos. Agad-agad kong binuksan ang kahon at tumambad sa akin ang bilot ng papel, mga libro, ang sombrero at ang maliliit na kahon. Inalog-alog ko ang maliit na kahon... hmmm.. narito na ang mga epektos. Dumating na ang aking mga droga. Agad kong dinampot ang telepono at nagsimulang tumipa ng mga letra.

"Na-receive ko na ang box Mahal. Thanks! Mwaaaah! Ininom ko na agad ang gamot e. Ang cute ng card. Hehe! Di ba mahirap magsulat kasi maingay siya? Hekhek!"

Haaaay.. sana sa susunod, si Misis Tikboy na ang laman ng kahon ng epektos. Siya ang droga ng buhay ko. Ehek!


Tuesday, May 5, 2009

Dangerous Convo

M: Ano na mimiss mo sa mga ex mo?
T: Nami-miss? (kaba)
M: Yep. nami-miss..

(10 seconds pause bago nag reply)

T: Wala ako na mimiss eh. Ikaw ba may na mi-miss sa ex mo?
M: Bat wala? Akala ko inalagaan ka naman nila? Takot ka lang magsalita eh.
T: (sa isip lang nya - naman talaga, alam mo naman pala eh...nagtatanong pa..)

(ang tagal bago nag reply.. naghahanap siguro ng tamang salita...)

T: Inalagaan nga pero nde ibig sabihin nun na nami-miss ko.
M: Ala ka nami-miss na trait o ugali o mannerisms?
T: Ang natatandaan ko lang........

Ewan ko ba... sometimes I ask things that I know would give me a little pinch in my heart. Hindi ko alam kung curious lang ako o dahil sa gusto ko malaman buhay nya nung wala sya sa akin o talagang ususera lang ako.

Pag hindi kami magkasama, ang dami kong gustong itanong kaya lang minsan, I try not to. Hindi sa magagalit sya. Alam ko, ayaw na sana nya pag-usapan. Alam nya kasi na nasasaktan ako pero, alam mo yun, parang I just need to know.

Sabi nga nila, "Ignorance is bliss" - you don't want to know.

It's the opposite for me.

Masochista nga ata ako.