Sunday, May 31, 2009

Anong nangyayari kapag off mo at nagkuripot ka?

Simple lang ang sagot: bad trip ka.

I've got a split off this week. Instead of having two straight days I'll be taking the day off on two separate days - and one of those days is tonight until tomorrow afternoon. Misis Tikboy's been telling me to check in in a hotel when I'm off duty to fully maximize my rest period or else I'm going to be burnt out. Masyado daw kasi ako kuripot, ayaw ko gastusin ang pera ko. Which is true. I'd rather keep my money than spend it. Mas gusto ko kasing gastusin ang pera ko na kasama siya kesa gastusin kong mag-isa.

Kaya heto, kahit wala akong trabaho para pa rin akong naka-duty dahil andito ako sa work place. Haaaay... sana pala nag-tsek in na lang ako ngayon para nakapahinga. Isang araw na nga lang ang pahinga eh...

Wife knows best talaga.

Tuesday, May 26, 2009

Two days with the Semira's

At Casablanca Cafe
The Semira's. Tito Bart, Darryl and Tita Fe.


I went out with the Semira's yesterday (for dinner) and today (for lunch). They're in town vacationing for Memorial day weekend. Since Darryl, my cousin,is in the cast of Monty Python's Spamalot, he is going to be here for six weeks. Loko nga, hindi sinabing pupunta siya ng rally against Prop 8 kanina after lunch! The CA Supmere Court upheld Prop 8 but declared the gay marriages prior to its passage are valid. Haaaaay...

Anyway, yesterday we ate at a Japanese restaurant. And today, we went to Swan's Oyster Depot in Polk St. between Sacramento and California. Susme, ang haba ng pila! But it was worth the wait. Ang sarap ng combination cocktail and crab salad!

After a hearty meal we went to Casablanca Cafe for coffee and across the street I saw this..

At first I thought that the place was a haven for pyschic and gypsies, nagkwento pa nga si Tita Fe na may lumapit daw sa kanya at sinabing maganda ang vibes niya. But when I looked at it closely after we left the cafe, mga sex toys pala ang laman niya. Ehek! Susme, andun lang pala eh kung saan-saan pa kami naghanap ni Misis Tikboy last January! Mwehehehe!

Hmmm.. maybe I should watch Darryl perform before the tour ends in July. I haven't seen him on stage yet. Sayang nga, sana andito na ako sa Amerika nung nasa cast pa siya ng Mamma Mia para napanood namin siya ni Misis Tikboy.

Wednesday, May 20, 2009

Something edible

Beautiful and mouth watering (parang Misis ko)
Picture muna bago kita kainin (hmmm... ibang kain na naman nasa isip ko)
Takaw!

Me and Misis Tikboy usually talk briefly when I am at work and she is on her way to work. abd from work. Today was no different. In the middle of our conversation she blurted out that she have a surprise for me. I asked her what it was but she just brushed me off. Loka talaga! Pag ako ang nagsabi na may sorpresa ako hindi ako tinatantanan, pag ako ang ang nagtanong iniiba ang usapan!

So when she called this afternoon on her way to work she asked me if I already got it. I told her not yet. Di ko pwedeng isulat dito ang usapan namin kanina at baka ma-censor pa. Hehehe!

A few minutes after we put down the phone the doorbell rang. I saw a van in our driveway and read the sign in it Edible Arrangements. Right there and then I knew what she sent me and I smiled. Sa takaw ko ba namang ito sa prutas! Naglaro pa nga ang isip ko, edible undies ang nasa isip ko kasi. Hahahaha!

Thursday, May 14, 2009

Varsity

Misis Tikboy's message last night stuck to my head. I reminisced my varsity days, I'm just one of those geeks turned varsity in HS and then got hooked on the game because it has given me a new identity. My life changed the moment I finger tossed that ball back in 1989.

Too bad I don't have that much pictures to show off.. nor have video clips and footages to show Misis Tikboy how good I was.. better than when we were in HS. Ni minsan kasi di niya ko pinagbigyan noon. Ni minsan di niya ako pinanood. She has her reasons. I respected that.

Sigh. Sometimes I wish I could watch myself play. Nakaka-miss din kasi maglaro. Minsan nga naiisip ko kung kaya ko pa kayang humabol ng bola at lagariin ang buong volleyball court para lang makuha ang second ball at mai-set up ng maayos. Tabatsoy na kasi ako. Hehehehe!

Volleyball

I was watching FEU women's volleyball team slam the UP volleybelles a while ago (Got the links from FEU Tambayan Forum of course!). Impressive. During my heydays, it was the basketball team that was hugging the sidelines - because of Abarientos and Pablo. After I watched the clip, I hurriedly texted my Tikboy...

M: "Napanuod ko kung pano lampasuhin ng FEU women's volleyball team ang UP mo, hehehehe!"
T: "Nang-asar pa!"

My Tikboy was a member of the UP volleyball varsity team you see... So, of course, sarap asarin hahahahaha! I've never seen her play in College. Yeah, blame it on my suplada attitude, ehek! I remember, she used to send me her schedules on where and when will they have a game. Got to tell you though na hindi na kami that time so deadma lang. I was already busy with my nursing world, hahahahaha! Walang time sa mga kung ano ano...

Ngayon nanghihinayang ako kung bakit hindi ko man lang sya nakitang maglaro nung college days nya. Kung magaling na sya nung high school, I'm sure mas magaling sya nung college. Wala man lang ata picture ang bruha nung naglalaro sya... Haaaay...

Sayang... sabagay, siguro it wasn't meant to be na makita ko sya that time - baka ma in love lang ako, hahahahaha!

Saka, I dont go for atheletes... yabangers!!!!! hekhekhek!

Thursday, May 7, 2009

Epektos

Dumating na ang mga epektos. Agad-agad kong binuksan ang kahon at tumambad sa akin ang bilot ng papel, mga libro, ang sombrero at ang maliliit na kahon. Inalog-alog ko ang maliit na kahon... hmmm.. narito na ang mga epektos. Dumating na ang aking mga droga. Agad kong dinampot ang telepono at nagsimulang tumipa ng mga letra.

"Na-receive ko na ang box Mahal. Thanks! Mwaaaah! Ininom ko na agad ang gamot e. Ang cute ng card. Hehe! Di ba mahirap magsulat kasi maingay siya? Hekhek!"

Haaaay.. sana sa susunod, si Misis Tikboy na ang laman ng kahon ng epektos. Siya ang droga ng buhay ko. Ehek!


Tuesday, May 5, 2009

Dangerous Convo

M: Ano na mimiss mo sa mga ex mo?
T: Nami-miss? (kaba)
M: Yep. nami-miss..

(10 seconds pause bago nag reply)

T: Wala ako na mimiss eh. Ikaw ba may na mi-miss sa ex mo?
M: Bat wala? Akala ko inalagaan ka naman nila? Takot ka lang magsalita eh.
T: (sa isip lang nya - naman talaga, alam mo naman pala eh...nagtatanong pa..)

(ang tagal bago nag reply.. naghahanap siguro ng tamang salita...)

T: Inalagaan nga pero nde ibig sabihin nun na nami-miss ko.
M: Ala ka nami-miss na trait o ugali o mannerisms?
T: Ang natatandaan ko lang........

Ewan ko ba... sometimes I ask things that I know would give me a little pinch in my heart. Hindi ko alam kung curious lang ako o dahil sa gusto ko malaman buhay nya nung wala sya sa akin o talagang ususera lang ako.

Pag hindi kami magkasama, ang dami kong gustong itanong kaya lang minsan, I try not to. Hindi sa magagalit sya. Alam ko, ayaw na sana nya pag-usapan. Alam nya kasi na nasasaktan ako pero, alam mo yun, parang I just need to know.

Sabi nga nila, "Ignorance is bliss" - you don't want to know.

It's the opposite for me.

Masochista nga ata ako.

Monday, May 4, 2009

Kulimbat


I was on my way to library when I saw this piece of junk at our neighbor's driveway. Looked at it and thought that I may find some use so I went back to the house to get some help. I cannot lift it myself! Hehehe.. now, it is on our garage. I am thinking of using it as an under the bed drawer (wala kasi akong sariling cabinet, nasa maleta pa halos mga damit ko). Syempre pa, tinext ko agad si Misis Tikboy para ipakita ang muebles na ito. Ehek!
Will work on it tonight when I get back to the house. For now I am going to return The Last Templar to the counter and borrow one of the test reviewers again.