Monday, December 15, 2008

Bagong simula


Haaay.. bagong simula, bagong buhay.

Ito ang drama ko ngayon. Nasa kabilang daigdig na naman ako, malayo sa misis ko. Pero kailangang magtiyaga para sa ikatutupad ng mga pangarap. Buti na lang dalawang oras lang ang pagitan naming dalawa. Mas madali kesa sa dose oras na byahe. Pera lang ang katapat, tiyaga ang puhunan at tatag ng dibdib.

Simula na ako ng trabaho bukas. Umeskapo lang ako ngayon para mag-internet habang nakikipag-usap si boss sa mga pasyente. Buti na lang meron dito sa facility. Dito rin ako magdu-duty ng dalawang araw, tatlong araw sa kabilang street. Training pa lang naman, pero kailangan kong patunayan na kaya ko ang trabaho. Bawal kasi magkasakit dito.

Hanggang sa muli..

No comments: