Monday, January 26, 2009

Aftermath

Ang tagal kong di nakapag-post. Bigla kasing nag-iba ang schedule ko at naging floater ako mula nung bumalik ako galing sa apat na araw na bakasyon. Almost everyday sa iba-ibang facility ako naka-duty. Hati-hati ang oras ko, minsan hinihiram ako sa gabi para samahan ang mga mas bago sa akin. O di kaya naman sa umaga at maghapon para umasiste sa mga datihan na. Ngayong week lang medyo umaayos at nagkakalinaw kung saan ba talaga ako. Di ko na nga namalayan na anim na araw na pala akong nagta-trabaho. Napansin ko lang na nagiging bugnutin na si Misis Tikboy kasi siya ang nagmo-monitor ng schedule ko at alam niyang kailangan ko na ng pahinga. Kaya kagabi, humingi na ako ng kahit isang araw man lang na off.

Hmmm.. saan ba ako magsisimula? Sa daming nangyari sa apat na araw na magkasama kami ni Misis Tikboy, hindi ko na alam kung saan ko sisimulan. Hehehe! Pero teka, tingnan natin at baka ma-trigger ng pictures na ito..

Sa BART, sinalubong ko siya galing ng SFO Airport. Mukha kaming puyat no? Excited kasi!

Hulaan niyo kung saan ito.. susme! Parang dinaanan ng bagyo!

Bumili na ako ng City Pass, sulit kasi madaming kasama sa package. Kaso naman, kulang ang apat na araw para mapuntahan namin lahat ng mga dapat puntahan! Kaya pala valid ang City Pass for nine days. 'Yun pala ang usual time na talagang maiikot mo lahat ng nakasama sa package.

Nag-side trip pa kasi kami sa Sausalito imbes na mag-stay lang sa Pier 39/Fisherman's Wharf, almost half day din kami dun. Na-delay pa ang dating ng ferry pauwi at kinailangan namin dumiskarte ni Misis Tikboy para makasakay kami agad. Pinoy ini! Di maiisahan! Hahaha! Kaya heto, super lamig to the max ang inabot namin sa top deck. Hehehe!

Sa last day ni Misis Tikboy sinubukan namin ikutin ang Golden Gate Park gamit ang aming "wheels" tingnan niyo naman...



Lumawit talaga ang dila ko at nagsabi ako kay Misis Tikboy na nagtsi-chest pain na ako sa pagod ng kakapadyak dito! Hehehehe! Ang ending, hindi namin napuntahan ang Exploratorium na gustong-gusto sana ni Misis Tikboy.. di bale, pagbalik na lang niya. Dami pa namin pwedeng puntahan dito sa San Francisco!


Next post, mga pagkain na nilantakan namin habang nasa San Francisco.


No comments: