Friday, January 2, 2009

Sabaw

Nagsawa na ako sa spam, corned beef, pritong itlog, calamari, bacon at noodles. Pag nasa Newman kasi ako 'yun ang madalas namin kainin ni Jason at Adrian. Mga tamad kasing kumain kaya hindi ako namomroblema sa kusina. Kaso nung na-assign ako dito sa Byron, pwersado akong magluto anim na beses sa isang araw! Tatlo para sa pasyente, tatlo ulit para sa aming mga staff. Susme! Natatawa nga si Misis Tikboy sa tuwing nagti-text ako o kaya magkausap kami sa telepono kasi wala akong ginawa kundi tumambay sa kusina pagkatapos kong hawakan ang mga pasyente. Sabi nga niya, gel na gel daw. Ngek! Hindi ko naman kasi turf ang kusina, ewan ko ba kung bakit dun ako na-destino! Kung ako papipiliin mas gusto kong humawak ng pasyente, mag-laundry at maglampaso ng sahig! Haaaay buhay!

Kanina pagkatapos kong magluto ng agahan, tinanong ko kung meron baboy o baka sa ref. Meron daw buto-buto sabi ni Kuya Ed. Sabi ko, subukan kong mag-sinigang. Papakuluan lang naman 'yun at palalambutin sabay sasamahan ng kamatis at sibuyas. tapos lalagyan ng seasoning at sitaw. Kaso walang sitaw kaya baguio beans na lang! Kaya hayun, mega luto naman ako. Pang apat na tao na niluto ko kasi baka kumain din si Kuya Lito at Ate Letty pagdating nila.

In fairness, masarap naman. Hehehe! Sa wakas nakahigop rin ng sabaw! Miss na miss ko na kaya humigop ng sabaw! Ehek!

Next week, pag dito ako ulit na-assign sinigang na baka naman o kaya nilagang baka ang gagawin ko. Mwehehehe!

No comments: