Wednesday, January 7, 2009

t-9 before the blast


Napaka loko mo.

Ito ang laging sinasabi sa akin ni Misis Tikboy. Paano kasi, sa tuwing hihirit ako sa kanya napapangiti siya sa mga salitang binibitawan ko. Hindi naman kasi mahirap pangitiin si Misis Tikboy, bungisngis kasi siya. Saka alam ko na kasi ang kiliti niya.. sa tagal na ba naming magkasama eh!

Magkausap kami kanina at ang sabi niya kailangan na daw niya talagang magbakasyon kasi pundido na siya sa trabaho niya. Baka kung ano maisipan niya at mag-step down bigla. Buti na lang at ilang araw na lang, magbabakasyon na siya. Kaya nga sabi ko sa kanya mag-countdown na kami..

t-9 days before the big blast.

Hmmmm.. kung anu man ang blast na 'yun kami na lang nakakaalam. Basta ang importante bakasyon galore kaming dalawa! Kaya nga kahapon kahit off ko, hindi ako umangal nung pinapasok nila ako. Kahit pa mag-9 days akong straight duty okay lang! Para hindi ako mainip sa paghihintay ng oras at araw.

Haaaay.. konti na lang! Yes! Hehehehe! Kahit pa pestehin ako ng mga pasyente ko, ngitian ko na lang. Isipin ko na lang, ilang araw na lang andito na si Misis Tikboy ko. Yihiiiiii!

No comments: