Wednesday, November 19, 2008

Camera shy


Mahilig talaga kami magpakuha ng pictures ni Misis Tikboy. In fact kahapon gusto sana namin magpa-studio shot nung nasa Arizona Mills kami. So, nag-inquire si Misis Tikboy habang busy ako sa pagkain ng coffee mocha chip ice cream. Nakikinig lang ako habang nakatingin sa kanila nung sales rep. Patingin-tingin sa mga portrait sa wall. Hindi naman ako tinitingnan nung kausap niya, busy sila pag-discuss ng details ng package. Mega-tour pa ang loka sa loob ng studio at explain na pwede kami magdala ng wardrobe. Twice pwedeng magpalit ng damit during the shoot and the likes. Tango lang ako kay Misis Tikboy habang busy sa pagsubo ng ice cream. Napangiti ako at napatingin kay Misis Tikboy nung sinabi ng sales rep na pwede namin gawing super sexy ang mga pose at pwede kami magdala ng mga gamit na gusto namin dalhin. Sus! Napailing tuloy ako at na-conscious. Naamoy ata ng loka ang kalokohan naming mag-asawa ah. Bago mag-end ang tour namin sa studio, mega ask ang loka kung magpapa-schedule na kami for a shoot. Sabi ni Misis Tikboy, idi-discuss pa niya sa akin. Kaya binigay na lang ni sales rep ang card niya tapos lumabas na kami sa studio. Pagkalabas na pagkalabas namin, nagtawanan kami agad! Hehehe.. talaga naman! Ganun na ba ka obvious? Hahahaha!

Kaya heto ang nangyari, nagpakuha na lang kami ng sample shot sa isang machine. Hehehe! Ito ang lumabas..

Para siyang sketch. Hindi nga lang siya printed sa photo paper. Hindi naman namin makuha ang digital copy kasi machine lang ang kumuha at hindi pwedeng saksakan ng flash drive. Kaya kinuhanan ko na lang ng picture using my N70.

Busy sa paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan. May mga times na gusto kong ako lang ang gumagawa sa kusina habang nagpapahinga siya.

Kahit nasa bahay kami wala pa rin kami katigil-tigil kumuha ng pictures. Tingnan niyo itong mga 'to.. kusina pictures! Hahaha! Dalawa lang naman ang favorite place namin sa bahay eh - kusina at kama! Hekhekhek!

Turn naman niya sa kusina. Nagluluto kasi ng nilagang saging. Hehehe!

No comments: