Sunday, February 8, 2009

Langib

Nung bata pa ako, iniingatan ko kapag may sugat ako.... lalo na pag pagaling na sya. Iniingatan ko na hindi sya matamaan. Lahat ng pag pro-protekta ginagawa ko para hindi sya magalaw. Ayoko na kasi maranasan yung sakit nung bago pa sya. Kaso syempre, minsan hindi mo maiwasan na mabunggo sya...bigla kang mapapa-aray...dumudugo na naman pala sya... nawala na naman yung "langib". Mapapa-aray ka. Sariwa na naman.

Napakatagal mong ginamot at iningat-ingatan. Gusto mo na kasing gumaling eh. Tapos sa isang iglap, balik ka na naman sa umpisa. Gagamutin mo na naman at pro-protektahan. Pilit na papagalingin.

Aasa na sana hindi na ulit ito mabunggo at magdugo.

No comments: