Monday, February 2, 2009

Talk To Me

"Talk to me".

Ayoko na sana kaso mapilit ang matanda. Nung huli ako makausap ng isang tulad nya, nagkatotoo yung mga sinabi. Mahirap na. Baka kako kung ano na naman ang sabihin sa akin. Kaso naudyukan din ako ng iba kong kaibigan..

Pagkapili ko ng baraha, nag-umpisa na sya.

Kumirot ang dibdib ko habang binabasa nya ang mga baraha.... Para akong sinukluban ng itim na ulap. Nag rewind bigla ang buhay ko. Nakita ko ang sarili ko sa 3 years ago.

Na naman. Daig ko pa ang sinampal sa sinabi nya. Tumawa ako. Cover ba sa sakit ng nararamdaman ko....

Hula lang yan, sabi ko sa sarili ko. Kaya nga hula ang tawag eh. Hindi sigurado.

Hula nga lang.. pero bakit hanggang ngayon, may kirot pa rin dito sa puso ko?

No comments: